Linggo, Setyembre 15, 2019

Wika noon ano na ngayon

          11 - Elijah
Ako po ay isang mag-aaral ng Colegio de San Ignacio. At ako po, kasama ng aking mga kamag-aral, ay inatasang makapanayam ng mga taong may ibang kultura at lenguwahe na Iba sa aking pagkaka-alam at tukuyin ang importansiya ng kanilang kultura, lenguahe, at kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Sa mga taong aking nakapanayam ang Napili ko ay ang mga Ilokano. Ilokano, ayon sa pananaliksik, it ay pangatlosa pinakamalaking pangkat-etniko sa Pilipinas. Sa Hilagang – Kanlutang bahagi ng Luzon ang katutubong lugar ng mga Ilokano at ang nagbibigay ng pagkakakilanlan para sa Rehiyon ng Ilokos. Ang mga Ilokano ay masipag at madiskarte. Kilala Sila ng nakararami bilang kuripot. 

Kuripot nga ba and mga Ilokano? Ayon sa aking nakapanayam kuripot daw Sila. Sinabi niyang hindi dapat mahiya o magalit and mga Ilokano pagnasasabihan ng kuripot. Subalit, dapat nila itong ipangmalaki. Sapagkat, ibig sabihin nito ay ang pagiging marunong gumastos ng kanilang pera sa mga makabuluhang bagay. Hindi tulad ng ibang tao na pagnakahawak ng pera ay hindi mapakali kung paano it lulustayin. Maraming mga kasanayan at paniniwala ang mga Ilokano. Ayon sa aking nakapanayam, mayroon daw siyang iilang naalala na sinabing mga kasanayan ng kanyang lola. Ayon daw dito bawal daw maligo pagmay regla. Bawal din daw matulog pagbasa pa ang buhok at magsampay ng suot pangilalim sa gabi. Higit sa lahat, bawal daw kumanta o sumayaw sa harap ng lutuan, Kasi baka daw makapag-asawa ng maaga at maging biyuda. 

Meron din silang paniniwala tungkol sa kasal na kailangang magbigay ng pera ang lalaki sa magulang ng babae . Ito ang kanilang magiging puhunan o paumpisa sa buhay mag-asawa. Ang paniniwala din nila sa patay, ay kapag namaatayan kailangang mong magtali ng putting tela sa noo. Upang magbigay sa namatay at upang mapunta ang kaluluwa nito sa langit. Pagbuntis kanaman ay magtapon ka nang Asin sa labas ng iyong bahay upang maitaboy ang masamang espiritu. Iilan lamang Ito sa napakaraming Paniniwala ng mga Ilokano.

Marami din akong nakuhang mga Ilokanong salita. Tulad ng; kasay na isang panangga, labin” isang mala biyoling instumento na gawa sa kawayan, “magey” isang uri ng dahon sa Ilocos , “aldawen” ibig sabihin tanghali na, “rabi en” na ang ibig sabihin gabi na at “pudot” ibig sabihin ang init.

Bilang isang kabataan ng kasalukuyang panahon, nalamanko ang malakimg pagbabago ng kultura noon at ngayon. Isa sa mga nasabing pagbabagong Ito ay, ang mga Bata daw noon at napakamasunurin at magalang. Isang taas Lang ng kilay ng kanyang nanay sumusunod na kaagad Ito. Di tulad ngayon di na daw marunong rumespeto at napakamasunurin suwail pa.

Malaki ang importansiya ng mga kulturang Ito. Dahil Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar. Katulad ng mga Ilokano, na kilala bilang kuripot. Malaki man ang pagbabago ng kultura natin noon at ngayon. Maaring ito'y dulot ng makabagong teknolohiya at agham o di kaya'y mula  sa modernong pag-iisip na nakuha sa malawakang impluwesiya mula sa Estados Unidos at iba pang banyagang bansa. Ngunit bilang pag-asa ng bayan ayon pa nga Kay Jose Rizal. Kailangan nating pagsikapang matutuhan ang kulturang Ito. Sapagkat, dito nakasalalay ang ating pagkakakilanlan.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento