Isang bansang may malalim na kasaysayan, dumanas ng maraming pighati sa nakaraan, inalila,inapi at tinanggalan ng pagkakakilanlan ng ilan,ngunit patuloy na lumaban para sa atingkalayaan. Sa paglipas ng panahon,iba't-ibang saling lahi angsumibol kasama ng makabagong henerasyon,nagkaroon ng iba't-ibang dayalektong ginamit ang bawat isa ayon sa kanyanglahing pinagmulan. May kanya kanyang kagawian at paniniwalaang bawat isa. Halimbawa na lamang nito ay "Asa ka man mag panaw?" Tanong ng isang taga Surigao, Kamayo ang tawag sakanilang lengwahe. Kung ikaw ay isang taga Davao na sanay sapagsasalita ng wikang Bisaya at narining mo ang kanyangtanong, magugulat at magtataka ka sa kanyang tanong sapagkatmay mga lengwaheng pareho ang salita ngunit iba angkahulugan. Dito papasok ang tanong na: Bakit nga bamahalagang maunawaan at pag-aralan ang lenguwahe at kulturang ibang lahi? Ano nga ba ang maidudulot nito sa atingkomunidad?
Ayon sa nakalap kong impormasyon mula sa akingTiyohin na si Marvin, nag mula sa Surigao at dalubhasa sapagsasalita ng wikang Kamayo. Ayon sa kanya, sa estilo,diin at tono pa lamang ng kanilang pananalita ay malalaman mo naagad na taga Surigao at Kamayo ang ginagamit nilang wika. Ang kanilang lugar ay tampok sa mga turista dahil sa mgamagagandang tanawin at mga anyong tubig na bida sa kanilanglugar. Ayon kay Tito Marvin, isa sa kanilang pinagkakakitaandoon ay ang pangingisda, ngunit pag ikaw ay turista doon at unang beses mong mangisda sa kanilang dagat, ang unang hulimong isda ay ibibigay nila sayo. Isa ito sa kanilang paraan ng pag bati sa mga turista doon sa kanilang lugar. Masiyahin at mabait si Tito Marvin. Kaibigan niya ang lahat at wala pa akongnakikitang tao na may galit sa kanya. Kaya masasabi kongmaganda ang dulot ng kanilang kultura at kaugalian. Hinubogsiya nito upang maging sino siya ngayon. Saan man siyamapadpad, mananatili parin ang kanyang pagkakakilanlan dahildala dala niya ang mga aral na tinuro mula sa kanyangkinagisnang lahi.
May kakilala naman akong isang Kaulo, isang tribo namakikita sa lugar ng Sta. Maria Davao del Sur. Kaibigan ko siyamula sa aking pagkabata. Nakatira sila sa liblib na lugar namalayong malayo sa sibilisasyon. Iba ang gamit nilanglengwahe kung kaya't hindi ko sila naiintindihan noon. Hindi nila alam mag salita ng bisaya at kapag nakakakita sila ng mgataong bago sa kanilang paningin ay manghang mangha sila. Kasama ang mga pinsan ko noon,nakipagkaibigan kami sakanila. Ang hindi ko makakalimutan noon ay ang pagbibigaynila ng mga alaga nilang hayop sa kanilang mga dayungkaibigan. Hindi man kami nagkaunawaan noon ay hindi itonaging hadlang sa aming pagkakaibigan at hindi na itomawawala sa aking ala-ala na minsan ay nagkaroon ako ng kaibigang ibang-iba sa aking lahing kinagisnan.
Sa huli ay napagtanto ko ang mga sagit sa aking mgatanong. Bakit nga ba mahalagang maunawaan at pag-aralan anglengwahe at kultura ng ibang lahi? Base sa mga nakalap ko, masasabi kong napakahalaga ng ating lengwahe at kultura para sa atin, sapagkat ito ang nagbibigay pagkakakilanlan sa atin. Ito ang humubog kung sino tayo at ano ang ating pinagmulan. Lahatman ay may pagkakaiba mula sa lengwahe, ugali at kultura, hinding-hindi mawawala sa atin ang ating pagka- Pilipino namay paniniwala sa kasabihang "Huwag mong gawin ang bagayna ayaw mong gawin nila sayo." Igalang mo ang pagkakaibanila kung gusto mo rin na igalang ka nila. Ano nga ba angmaidudulot nito sa atin at sa ating komunidad? Kung lahat ay may respeto sa pagkakaiba, iba man ang wikang ginamit ng ngbawat isa, mananatili ang kapayapaan at kasiyahan sa atinglipunan. Kung tayo ay may masiglang lipunan mabuti angmaidudulot nito sa lahat. Maaaring magkaroon ng trabaho anglahat at walang magugutom, walang mahihirap at maaaring mas umunlad ang bansang Pilipinas kapag lahat tayo ay may pagpapahalaga sa bawat isa. Para sa akin, lahat ay may kanyakanyang halaga ang wika at kultura kaya lahat sila ay importanteat nararapat na igalang at pahalagahan upang maabutan pa ng susunod na henerasyon ang yaman na ipinagmamalaki ng iba't-ibang saling lahi dito sa ating bansang Pilipinas.

Arabella Nicole Monterola
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento