Sa aking napanayam na si Ryan Aspera, ang wikang ginagamit niya noon ay Ilonggo na may malambing na tono at nakatira siya noon sa Cotabato at lumipat sa Davao City para mag-aral at makasama ang pamilya niya. Ang buhay niya kasi noon sa Cotabato ay hindi siya nag-aaral ng mabuti at siya ay batang pasaway. Ang kultura nila noon ay paglalaban ng kabayo. Mga halimbawa na salita ng Ilonggo ay “taga diin kaw haw?”, “diin ka nag lagaw?”, “sin o pudt mo naglagaw?”. Ang kahulugan ng tatlong halimbawa ay “taga saan ka?, saan ka gumala?, sino kasama mo gumala?”. Mahalaga sa kanya ang wika nila dahil daw nakasanayan na niya at para magkaintindihan sila ng pamilya niya.
Sa pangalawa kong napanayam na si Queen Ann Olarte, ang wikang ginagamit niya noon ay Kamayo, nakatira siya noon sa Surigao. Wala siyang alam sa kultura nila, pero ang alam niya lang ay wala silang pagbabawal sa kultura nila. Mga jalimbawa ng salita ng Kamayo ay “ ya ono kaw?” , “wala sagaru” , “hain kaw gajud gahuya”. Ang kahulugan ng tatlong halimbawa ay “anong nangyari sayo?” , “wala siguro” , at “saan ka nakatira?”. Mahalaga sa kanya ang wika nila dahil ditto lamang sila nagkakaintindihan bilang mamamayan.
Para sa akin interesado ako sa Ilonggo dahil sa kanilang tono ng pananalita at dapat natin respetuhin ang mga iba`t ibang lengguahe sa bansa kasi parte na rin ito sa atin. Kaya patuloy natin pagyamanin at gamitin an gating katutubong wika, hindi lamang para sa ibang tao kundi para na rin sa sarili nating bansa at sa ating sarili. Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin. Sa aking napanayam ang wika sa kanila ay napakahalaga dahil iyan lang na wika sila nagkakaintindihan at nagkakaroon din ng madaling komunikasyon ang bawat tao at pati na rin sa mga karatig bansa nito.
Stephen A. Repe
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento