Linggo, Setyembre 15, 2019

Kahalagahan ng aspektong lingguwistiko at kultural sa komunidad

            Maduhyew nuh adlew! o magandang umaga sa  tagalog pag nakakarinig ka ng ganito marahil kumukunot ang noo mo at nagkakaroon ng  tanong sa isipan mo kung saang lupalop kaya ito nagmula.Ano kaya ang ibig sabihin ng kaniyang sinabi? Kung iisipin isa ito sa ating mga katutubong wika dahil narin sa archipelago ng ating bansa kaya marami tayong ibat- ibang wika, ang wika na nasa itaas na pambungad ay isang halimbawa ng salita ng tribung " Manobo" katulad ng pangalan  ng kanilang tribu ito  din ang  tawag sa kanilang wika, sila ay matatagpuan  sa Boston sa probinsya ng Davao oriental.

             Ayon sa aking napanayam na isang katutubo na mula dito.Likas na sa kanila ang mapagbigay.matulungin at palatawa, tuwing ika 15-16 ng Marso naghahanda sila para sa kanilang piyesta ang okasyong ito ay mahalga sa kanila sapagkat, naghahanda sila ng malelechon kahit kaunti basta meron para gawing alay pasasalamat.Ang kanilang mga malalayong kamag-anak ay umuuwi para sabay sabay nilang gunitain ang okasyong   ito.Ang kanilang malayong kamag-anak ay umuuwi para sabay nilang gunitain ang okasyong ito.Ang mga kubyertos, mga iniingatang pinggan, baso, kurtinang de burda, atb na nasa kabinet ay pinapalabas para sa bisitang darating na nagmula pa sa kabilang baryo na para bang ang lahat ng gamit ay nakalaan sa para sa kanila.Hindi na bago sa kanila ang pagsuyo ng binata sa dalaga tuwing namimiyesta asahan ng may dala itong motibo, ang masungkit ang puso ng dalaga at ang sino mang gustong magpa umaga ay binibigyan  ng maayos na gamit at kumportableng higaan habang ang may ari  ng bahay ay nasa lapag nakahiga.Ganito ang sistema ng kanilang pagdiriwang ng piyesta isa rin sa kanilang kaugalian ang anu man ang iyong ulam  ay ulam din ng iyong kapitbahay.Likas na sa kanila ang mapagbigay kaya nagkakaroon ng palitan ng bigayan mapa ulam man o bagay habang nagbibivayan  sila ,sila ay nagkukuwentuha  at naghahalakhaka  na para bang wala ng bukas.

            Ang mga bata naman ay naglalaro ng tradisyunal na laro napakasaya napakamalikhain at napakaimahinatibo gamit lang ang kapaligiran  ay may paglilibangan na sila tulad ng lang ng " syatong" isang uri ng kanilang laro na mula sa sanga ng punong kahoy, papaluin nila ito papunta sa kalaban at pagkatapos ng kanilang mahabang paglalaro ay magtatapisaw sila sa batis, ang pinakahuli ay karerahan ng kalabaw ang sino mang mauna sa dulo ay may premyong bayabas o anumang prutas ang meron, ito ang  kadalasang nangyayari sa sistema ng kanilang paglalaro. Pero ang lahat ng ito ay unti unting nabago sa paglipas ng panahon ang aktibong pakikilahok  ng kabataan noon ay nabago sabay sa pagiging modernisado ng ating mundo sa paglabas ng teknolohiya tulad ng selpon at telepono.Ang malapiyeryang uri ng kanilang pamumuhay, ang pagiging bukas ng komunikasyon ay napalitan  ng nakakabinging katahimikan dahil sa pagiging hitek pinapadaan nila ang kanilang mga mensahe sa selpon kahit kapit bahay pa sila.Tulad ng wikang gamit ng Manobo ang wikang filipino ay naapektuhan at nanganganib.

            Ang pagbabago ng wika ayd dahil ba ito'y arbitraryo nababago depende sa gamit o pinagagamitan, ngunit sa paglaganap ng teknolohiya naging tamad na ang mga tao kaya na uso ang" jejemon" para sa mabilisang komunikasyon , binabago ang orihinal na baybay ng salita pinapaliit o ang istruktura mismo.Sa pagiging modernisado at naapektuhan ang ating pamumuhay, paniniwala at maging ang kulturang ating kinagisnan.Ang kultura ang siyang nagpapatibay ng bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapa hayag ng pangkalahatang diwa.

           Kahit anuman  ang iyong pinagmulan, kahit anong wika man  ay iyong gamit at kahit saang lupalop ka man nag mula.Ang wika ang pinakamabisang sangkap sa paglalahad ng diwa at kaisipan sa sining man o kultural na   paraan.

Princess Rizza Delos Santos


7 komento:

  1. tangina mo nasa bansang Pilipinas ka magsalita ka ng wikang tagalog

    TumugonBurahin
  2. T*nga ka ba?, isa sa opisyal na wika ng Pilipinas ay Ingles. So anong nirereklamo mo diyan? B*bo mo, mag aral ka nga ule🙄

    TumugonBurahin
  3. Wikang Filipino. Ang Tagalog ay Isang dayalekto

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang Tagalog ay wikang gamit ng Filipino at hindi dayalekto

      Burahin