Ano nga ba ang ibig-sabihin ng lingguwistiko? Kultura?Naaayon ba ang ating mga kilos sa ating Kultura? Ano nga baang kahalagahan nito sa komunidad? Ang lingguwistiko o linguistic sa wikang Ingles, ay nangangahulugang pag-aaral ngwika. Bagaman, ito ay tumutukoy din sa pagkakaroon ngkalituhan kapag ang isang tao ay nasa isang dayuhang lugar namay ibang wika. Sa kabilang banda, nangangahulugan naman naang Kultura ay isang komplikadong sistema ng ugnayan saparaan ng pamumuhay ng isang bansa o lipunan, maaari ring binuo ito ng mga katutubo. Ang Pilipinas ay mayroong pitonglibo’t anim na daan at apat na pu’t isang isla at isang daan at pitong pu’t limang wika. Sa dami ng isla at wika sa Pilipinas, hinirang ang Maynila bilang kabisera ng bansa at Filipino naman ang hinirang na Wikang Pambansa. Inilalahad ko angmga impormasyong ito sapagka’t nais ko’ng makapag bigay ngkaalaman sa mga mambabasa. Mayroon ako’ng dalawangnakapanayam, isang estudyante at isang guro na humiling nakung maaari lamang na hindi banggitin ang kanilang mgapangalan sa Sanaysay na ito.
Nakapanayam ko ang estudyante na isang Caviteño at noon ay naninirahan sa Rizal, natutunan niya ang lenggwahengChabacano sa tulong ng kanyang lolo at lola. Iilan sa kanilangmga nakasanayang gawin ay ang gumising ng maaga paramamalengke. Ang Chabacano ay kilala sa linggwistika bilangPhilippine Creole Spanish. Ito din lamang ang natatanginglenggwahe na nababase sa Espanya sa buong Asya. Ang salitangChabacano ay nagmula sa Espanya na halos ay nangangahulugan na “hindi magandang panlasa” o “bulgar”, bagaman ang termino na ito mismo ay walang negatibongkonotasyon sa mga kontemporaryong ispiker at nawalan na ngorihinal na kahulugan ng pang-Kastila.
Habang ang guro naman ay isang Ilonggo na nanggaling saKidapawan, natutunan niya ang lenggwahe dahil sa kaniyangmga magulang. Isa sa kanilang mga gawi ay ang magtanim at ituon ang kanilang pansin sa agrikultura. Ang Hiligaynon, o kadalasang tinutukoy ng karamihan ng mga nagsasalita nitobilang Ilonggo, ay isang wikang pang-rehiyon ng Austronesian na ginagamit sa Pilipinas ng humigit-kumulang siyam namilyong tao. Pangunahing gumagamit nito ay mula sa Western Visayas at SOCCSKSARGEN, at karamihan sa mga ito ay kabilang sa grupong etniko ng Visayan, pangunahin na ang mgaHiligaynon. Ito ay pangalawang pinakapangalat na wika namiyembro ng tinaguriang “Pamilya ng Wikang Visayan” at mas malayong nauugnay sa ibang mga wika sa Pilipinas.
Ang kanilang kasanayan ay lubos na magkasalungat. Gayon na rin ang kanilang Wika. Napagtanto ko na hindi dahilnasa iisang bansa tayo ay pare-pareho na an gating mgakasanayan at lengguwahe. Subalit, tayo ay nag-buklod dahil iisalamang ang nais n gating mga puso at yun ay ang mapabuti angating sariling bansa.
Samakatuwid, mahalaga ang lahat ng lenggwahe sapagka’thindi man maintindihan ng iba ang iyong pananalita, angnakagisnan mo parin na wika ang kaibahan mo sa lahat. Nararapat lamang na pahalagahan natin ang ating pangunahingwika dahil mas Malaya nating naipapahayag an gating damdamin ng walang anumang klase ng balakid. Mahalaga din ang ating kanya-kanyang nakasanayang gawi sapagka’t ito angdahilan kung bakit tayo natatangi kumpara sa karatig na mgalugar. Sa kabila ng ating kaibahan, mananatili tayong iisa sapamamagitan ng pagpapayaman sa ating Kultura na halos ay magkahalintulad lamang. Sa pangkalahatan, ang Wika at Kulturaay lubhang mahalaga sapagka’t ng dahilsa Wika at Kultura, tayoay nakapag-aral, nakalikha ng mga bagay sa pamamagitan ngpagpapalitan ng ideya at iba pa.
Mira Heradane F. Bantayan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento