Sa tono ng iyong pananalita ay alam kong isa kang Surigaonon. Sa tuwing ika’y
nagsasalita ay para bang galit ka. Labing dalawang taon nanirahan sa Surigao, maraming
nagbago pero magbalik tanaw muna tayo. Magandang tanawin sa lalawigan ko maraming
puno at subrang mahangin. Pinapalibutan ng karagatan ang aking tinitirhan , yan ang wika
mula sa kaibigan at kaklase ko. Matagal-tagal ding nawalay sa lalawigang kinalakihan dahil
lumipat dito sa Davao.
Malaki ang kaibahan dito sa Davao at Surigao doon ay may preskong hangin
kang naamoy samantalang dito usok ng sasakyan ang malalanghap mo. Kahit pagalit ang
tono ng kausap mo ay may pagmamahal paring pinapadama ng taong kaharap mo.
Problema ng isa problema ng lahat dahil di makakaya ng isang Surigaonon ang titigan
lamang ang tao na may pinagdadaanan, marahil ay pareho silang mahirap ngunit
pagnagtutulungan lahat ng problema ay kayang lutasan, ang wika noon ay ginagamit parin
mapasahanggang ngayon ngunit may pinagkaiba parin sa wika noon at ngayon dahil noon
ay parang galit ang tono nito ngunit ngayon ay hindi na masyadong ginagamit ang tono
nito. Bisaya ang lenguwahing ginagamit sa Surigao kaya naman mabilis siyang nakahanap
ng kaibigan. Dina-gaanong ginagamit ang wikang kinalakihan dahil di narin magkapareho
ang taong nakakahalobilo, ngunit ginagamit parin naman kapag bumibisita ang kaniyang
lola. Sabi niya parang bumabalik siya kung saan siya lumaki at natotong magsalita. Naaalala
niya ang mga ginagawa niya noong siya ay bata pa, naaalala niya ang mga kaibigang naiwan
niya doon sa Surigao, mga kaibigan niya tuwing naglalaro ng Shatong, takbo roon takbo rito
pinapagalitan ng ina dahil kahit ang tirik-tirik ng araw ay pinipili paring maglaro sa labas
ng bahay kasama ang taong malapit at nagbibigay saya sa bawat araw, ngunit ala-ala nalang
ito. Sungka naman ang nilalaro ng karamihan sa matatanda na Surigaonon kasama na ang
lola niya, kahit saang pwesto ay pwede kang maglaro nito ngunit para lamang sa dalawang
tao ang makakapaglaro nito. Inuutosang kumuha ng bato sa gilid ng dagat upang magamit
sa larong Sungka. Ngayon sa pagkakaalam ko konting pursyento nalang ang mga batang
may alam sa larong ito, konti na lamamng ang may alam kung anu ang tawag ditto at kung
paano ito nilalaro. Maraming pinagkaiba ang kabataan noon at ngayun dail sa kasalukuyang
panahon ay mas pinipili ang manatili sa loob ng bahay kaysa pumunta sa labas at
maghanahp ng kaibigan at makipaglaro sa kapitbahay na may kasing edad nila, sa gadgets
umiikot ang mundo ng mga bata ngayon samantalang noon amoy araw at pawis kakatakbo
kasama ang mga kaibigan.
Kay hirap unawain na dinamaibabalik ang dating kinagisnan dahil iba na nga
ang katayoan at hilig ng mga tao. Hanggang sa alaala nalang ba ang mga nangyari noon o
baka pwede pang-ibalik at maipagpatuloy hanggang ngayon? Wikang may tonong parang
nagagalit ay wag sanang kalimutan dahil yun ang palatandaan na isa kang Surigaonon.
Wika at kultura ay labis na karangalan para sa kanya dahil na iiba ang wikang ginagamit
niya. Kung ang iba ay malambing kung magsalita ibahin mo ang Surigaonon dahil matatkot
ka sa lakas ng boses at siga sa tuwing nagsasalita siya. Ang pagtutulongan sa tuwing ang
kababayan ay nahihirapan ay nananatiling buhay hanggang ngayon dahil yun ang hindi
basta-bastang magmahal ang isang Surigaonon pero sana kahit hindi kai sang sa mga
Surigaonon ay tumulong ka kahit sa maliit na bagay dahil yun ang tama at yun ang utos ng
ating mahal na Panginoon.
Mernie Anne Tubal
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento